Away negosyo: 2 Koreano, 1 pa todas
Pinaslang muna ang ka-live-in ng kasosyong Koreano at manager sa restaurant bago nag-suicide ang isang nag-amok na negosyanteng Koreano kahapon ng umaga sa Barangay Pusok, Lapu-Lapu City, Cebu.
Sa phone interview, kinilala ni P/Senior Supt. Mariano Natuel, provincial police director, ang mga nasawing mga biktima na sina Kim Gil Bo, 47, ka-live-in ni Kong Young Dae, 59, na nakaligtas sa insidente at Joel Molo, manager sa Blue Marlin Restaurant.
Nagbaril sa sarili at napatay si Yoo Sek Woo, 61 matapos mapatay ang dalawa.
Sa imbestigasyon, sinabi ni Natuel na naganap ang insidente sa loob ng restaurant malapit sa 2nd Bridge ng Mactan-Mandaue sa nabanggit na brgy. dakong alas-8:45 ng umaga.
Ayon kay Natuel, biglang nag-amok si Woo gamit ang cal. 45 na may silencer at pinuntirya ang mga biktima.
Masuwerte namang nakaligtas si Dae sa pamamaril ng kasosyo sa negosyo matapos na makapagkubli.
Ilang saglit pa matapos na pagbabarilin ay tinangkang sunu gin ni Woo ang restaurant saka nagbaril sa sarili.
Napag-alamang wala pang tao sa restaurant at maging ang mga cashier at waiter ay hindi pa dumarating nang mag-amok si Woo, ayon pa kay Natuel.
Sa inisyal na imbestigasyon, alitan sa negosyo ang isa sa motibo ng krimen dahil nagwala si Woo matapos na mabatid na patatalsikin na siya sa kanilang negosyo ni Dae.
- Latest
- Trending