P.5M nalimas sa banko

LAOAG CITY - Tinatayang aabot sa P.5 milyong remittance ng mga overseas Filipino workers (OFW) ang nalimas makaraang looban ang lokal na sangay ng LBC-Bank sa Laoag City noong Biyernes. Ayon kay Ruben Ramos, manager of the LBC Bank- Laoag branch, winasak ng mga magnanakaw ang likurang bahagi ng pintuan ng banko saka puwersahang binuksan ang safety vault na kinalalgyan ng malaking halaga. Maging ang mga resibo at mahahalagang dokumento ay tinangay din ng mga di-pa kilalang kalalakihan. (Teddy Molina)

Show comments