Shootout: 2 holdaper utas
LEGAZPI CITY, Albay – Dalawang kalalakihan na miyembro ng Ibarra Gang at sangkot sa serye ng holdapan sa Kabikulan ang iniulat na napaslang makaraang nakipagbarilan sa mga awtoridad kamakalawa ng gabi sa bisinidad ng Villa Grande Subdivision sa Barangay Concepcion Grande, Naga City. Nakilala ang mga napatay na sina Remejo “Lolong” Vibar ng Oas, Albay at Ronald “Dax” Ibarra ng Milaor, Camarines Sur. Sa ulat ni P/Supt. Enrique Magalona, team leader at hepe ng RIO-5, ang dalawa ay naaktuhang nanghoholdap ng negosyante sa nasabing barangay kaya lumaban sa mga pulis na rumesponde. Ayon sa pulisya, ang dalawa ay sangkot sa naganap na holdapan sa Nolasco Mini Mart sa bayan ng Oas kung saan isang security guard ang napaslang may ilang araw na rin ang nakalipas. (Ed Casulla)
- Latest
- Trending