^

Probinsiya

Mga tauhan ni Kato nagpapanggap na evacuees

-

Pinaniniwalaang nawalan ng pag-asa at naging desperado kaya humiwalay na ang karamihang tauhan ni Moro Islamic Liberation Front renegades Commander Ame­ril Ombra  Kato, at nagpa­pang­gap na mga sibilyang hu­malo na rin sa mga evacuees sa Central Mindanao.

Ito ang nabatid mula kay Army’s 601st Brigade Commander Col. Marlou Salazar, base sa intelligence report na kanilang nakalap.

Si Kumander Kato na may patong sa ulong P 10 milyon ay wanted sa batas kaugnay ng marahas na pananalakay sa 15 barangay sa pitong ba­yan ng North Cotabato noong unang bahagi ng Agosto 2008.

Samantala, kinukumpirma rin ng militar ang intelligence report na humalo na rin sa mga evacuees ang mga tau­han ni Commander Kato dahil sa matinding gutom kaya na­pilitang magsibaba sa kapa­tagan.

Sa kasalukuyan ay ta­nging ilang mga tapat na tauhan na lamang na kara­mihan ay kaniyang mga ka­mag-anak ang gumugu­war­diya  sa nagtatagong si Ku­mander Kato.

Idinagdag pa nito na hindi nila tatantanan ang grupo ni Kumander Kato hangga’t hindi tuluyang nalalansag. (Joy Cantos)

vuukle comment

BRIGADE COMMANDER COL

CENTRAL MINDANAO

COMMANDER AME

COMMANDER KATO

JOY CANTOS

KATO

KUMANDER KATO

MARLOU SALAZAR

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NORTH COTABATO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with