Pulis inutas ng kabaro dahil sa trapiko

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Napaslang ang isang opisyal ng pulisya ng kapwa pulis at pinsan nito makaraang pagbabarilin sa harap mismo ng kanyang misis dahil sa trapiko sa kahabaan ng Marcos Alvarez Road na sakop ng Barangay Milono 3 sa bayan ng Bacoor, Cavite kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Mario Reyes, hepe ng Bacoor PNP, ang napatay na si P/Inspector William T. Pelicano, 55, ng BF Homes, Parañaque City at nakatalaga sa Las Pinas City police station.

Arestado naman ang mga suspek na sina si PO2 Alfie Madrid, naka-assign sa Regional Special Action Unit ng National Capitol Region Police Office at ang pinsan nitong si Hermogenes M. Gagan. 

Base sa police report, sa­kay ng pampasaherong jeep (DAW-422) sina P/Inspector Pelicano at asawa nitong si Babylyn habang bi­nabagtas ang kahabaan ng nabanggit na lansangan nang banggain sila ng kulay dilaw na Dai­hat­su van (GRE-189) na mina­ma­neho ni Ga­gan bandang alas-8:30 ng gabi

Kaagad naman bumaba ng jeep si Pelicano na noo’y naka-uniporme para usisain ang naganap na banggaan ng sasakyan.

Subalit nang mamataan ni Pelicano si Gagan na may bitbit itong baril at bigla na­lang ipinasa sa kanyang pin­sang pulis na si PO2 Madrid nang makitang sisitahin siya ng una.

Nang sitahin na ni Peli­cano si Madrid, ay nagsimula ang mainitang pagtatalo hanggang sa mauwi sa pa­mamaril.

Isinugod pa sa Molino Doctors Hospital si Pelicano pero namatay din ito ilang saglit lang dahil sa tinamong mga tama ng bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng kata­wan.

Show comments