Hiker na Kano nakitang patay

DINALUPIHAN, Ba-taan — Isang hiker na Amerikano ang natagpuang bangkay ng mga awtoridad sa kabun­dukang bahagi ng Barangay San Pablo, Di­nalupihan, Bataan kaha­pon.

Ang biktima ay kinilala ni P/S.Insp Ferdinand Aguilar, hepe ng Dinalu­pihan Police Station, na si John R. Wen­ham, 69-an­yos, isang mountain clim­ber na naka base sa Hawaii at pansamantalang nani­nirahan sa No. 49 Pi­nag­pala St. Purok 4 New Ca­ba­lan, Olongapo, City. (Jonie Capalaran)

Show comments