17 mangingisda pinalaya
Pinalaya na ang 17 mangingisda na una nang napaulat na binihag ng mga hinihinalang armadong pirata habang namamalakaya sa karagatan ng Taganak Island, Tawi-Tawi kamakalawa ng madaling-araw.
Gayunman, taliwas sa hinala ng ilang awtoridad, mga tauhan umano ni Taganak Island Mayor Omar Khan ang mga kidnapper.
Ikinatwiran ng kampo ni Khan na hinarang at pinigil nila ang naturang mga mangingisdang lulan ng FB Tomiya, Alyss 5 at Starshine dahil sa illegal na pagpasok sa kanilang teritoryo.
Matapos ang negosasyon, pumayag si Khan na pakawalan ang mga mangingisda na sasampahan na lamang ng kasong kriminal. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending