Magkakapatid na wanted timbog

Rizal – Arestado ang tatlong magkakapatid na lalaki na pawang mga most wanted sa bayan ng Pililla makaraang sugurin ng pulisya ang kanilang safe­house sa Barangay Quisao ng nasabing bayan kaha­pon ng umaga.

Kinilala ang mga na­ares­tong suspek na sina Dante, Rustom at Rudy Omonong, pawang may mga kasong illegal possession of firearms and ammunition.

Ayon kay C/Insp. Ra­mon Gabat, hepe ng Pililla police, dakong alas-9:00 ng umaga ng kanilang lu­su­bin ang safehouse ng magka­kapatid nang mala­man nilang naroon ang mga ito. (Edwin Balasa)

Show comments