Nawawalang sarhento natagpuang kalansay

Matapos ang mahigit dalawang buwang pagka­wala, natagpuang kalansay ang isang Army Sergeant sa isang masukal na lugar sa En­rile, Cagayan kama­ka­lawa.

Batay sa report, ang bik­tima na positibong kinilala ng misis nitong si Imelda Tum­bali ay si Staff Sergeant Ernesto Tum­ bali.

Ang kalansay ay naki­la­lang pag-aari ng nawa­wa­lang sarhento base sa suot nitong damit at dalang cell­phone.

 Sa pahayag sa mga awtoridad ni Gng. Tumbali, ang kaniyang mister ay umalis sa kanilang tahanan sa Barangay Maddarulug Sur Enrile noong Hunyo 12 subali’t hindi na ito nakauwi mula noon.

Isang magsasaka na­man ang nakadiskubre sa kalan­say ng biktima sa isang masukal na lugar sa natu­rang ding barangay habang nagsasaka ito sa lugar. (Joy Cantos)

Show comments