^

Probinsiya

5 aktibistang humiya kay GMA inaresto

- Joy Cantos -

Limang miyembro ng militanteng grupong Ba­gong Alyansang Maka­ba­yan ang inaresto ng mga elemento ng pulisya at Pre­sidential Security Group matapos mag-rally habang nagtatalumpati si Pangu­long Gloria Macapagal Arroyo sa Bacolod City, Ne­gros Occidental, ayon sa opisyal kahapon.

Kinumpirma ni Bacolod City Police Director Sr. Supt. Ronilo Quebrar ang pagkakaaresto sa aniya’y walang modong limang militante na ipinahiya ang Negros Occidental kay Pangulong Arroyo.

Ayon kay Quebrar, si­nampahan na nila ng ka­song inciting to sedition, resisting arrest, alarm and scandal at illegal assembly ang mga inarestong sina Herminigildo Padilla, Ever­lito Algona, Bonifacio Al­guna, Noel Espares Jr. at Gerardo Battalla, pa­wang residente ng La Car­lota City, Negros Occidental.

Bandang alas–10:00 ng umaga nitong Miyerkules habang nagtatalumpati si Pangulong Arroyo sa opening ceremony ng Maskara Festival sa Bacolod City Plaza nang biglang mang­gulo ang mga raliyista at ibandera ang kanilang mga placards.

ALYANSANG MAKA

BACOLOD CITY

BACOLOD CITY PLAZA

BACOLOD CITY POLICE DIRECTOR

BONIFACIO AL

GERARDO BATTALLA

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

HERMINIGILDO PADILLA

NEGROS OCCIDENTAL

PANGULONG ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with