^

Probinsiya

51-katao nalason

-

Umaabot sa 51-ka­ tao ang iniulat na naos­pital makaraang mala­son sa kinaing chopsuey sa panang­halian sa pagdiriwang ng Senior Citizen’s Week sa Roxas City, Capiz kamakalawa.

Gayon pa man, pa­tuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga biktimang dinala sa tat­long ospital sa  Roxas City. Base sa ulat ni P/Chief Supt. Isagani Cue­vas, regional police director, ang mga biktima ay pawang miyembro ng Office of Senior Citizens Affair (OSCA) na nagsa­gawa ng 3-araw na akti­bidad sa Ding­goy Roxas Civic Center. Napag-ala­man mula kay Romeo Ar­cenas, elderly consul­tant ng non-government affairs (NGA), na sa pa­ngatlong araw ay na­nang­halian ang mga biktima ng chop­suey na inihanda ng isang caterer subalit makalipas ang ilang oras ay naka­ranas na ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, pagtatae at panghihina ng kata­wan kaya kaagad na isinugod sa mga os­pital.

Sa pinakahuling ulat, ang 25-biktima ay dinala sa St. Anthony Hospital, 21 sa Capiz Me­morial Hospital  at lima naman sa Emma­nuel Hospital.

Napag-alaman pa na hindi lamang mga mi­yem­ bro ng OSCA ang na­la­son kundi ma­­ging ilang kaanak ng mga ito na dinalhan ng tirang pagkain.

Sa kasalukuyan, nag­dala na rin ng sam­ple ng chopsuey sa pa­gamutan upang ma­suri. (Joy Cantos)

CAPIZ ME

CHIEF SUPT

ISAGANI CUE

JOY CANTOS

NAPAG

OFFICE OF SENIOR CITIZENS AFFAIR

ROMEO AR

ROXAS CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with