Pitong sundalo ng Armed Forces of the Phil. (AFP) kabilang ang iniulat na napaslang habang 12 iba pa ang nasugatan sa magkahiwalay na engkuwentro ng militar at mga re beldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Maguindanao, ayon sa ulat kahapon.
Sa ulat ni Lt. Col. Ernesto Torres, hepe ng AFP-Public Information Office, nakasagupa ng Army’s 64th, 54th at 46th Infantry Battalion (IB), ang grupo ng MILF renegades sa bisinidad ng Sitio Nimao, Brgy. Andavit, Datu Piang, Maguindanao na ikinasawi ng tatlong sundalo kabilang ang isang opisyal habang 12 naman ang nasugatan.
Bandang alas-4:15 naman ng hapon nang tambangan ang tropa ng Army’s 64th Infantry Battalion sa bahagi ng Brgy. Pagatin sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan na ikinamatay ng apat na sundalo.
Gayon pa man, tumanggi muna si Torres na isapubliko ang mga pangalan ng sundalo na nasawi dahil kailangan pang impormahan ang kani-kanilang pamilya.
Si Kato at ang mga tauhan nito ay sangkot sa panununog ng mga kabahayan, pagnanakaw at pagpatay sa mga sibilyan matapos na sakupin ang 15 barangay sa pitong bayan ng North Cotabato noong unang bahagi ng Agosto.
Ayon kay Torres, patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit operations ng tropa ng militar laban sa grupo ni Kumander Kato na pinaniniwalaang nagpapalipat-lipat lang ng taguan sa Maguindanao at Cotabato.
Nabatid na tumaas ang bilang ng namamatay sa panig ng militar sa pagtatapos ng Ramadan.
“War is never easy, its either you get them or they’ll get you. It’s just unfortunate that we have to incur several casualties in that series of encounter yesterday,” ani Torres.
Samantalang, base sa intelligence report ay marami ang nalagas sa panig ng MILF rebs umpisa pa noong Martes matapos ang sunud-sunod na bakbakan sa Maguindanao at ilang bahagi ng North Cotabato.