^

Probinsiya

­ Panghaharas ng pulis-Baguio sa mamamahayag bubusisiin ng CHR

-

BAGUIO CITY — Nala­la­gay sa balag ng alanga­ning masibak sa tungkulin ang hepe ang PCP 4 sa Ba­guio City makaraang mags­a­gawa ng sariling imbesti­gas­yon ang Commission on Human Rights (CHR) para alamin kung nilabag ang ka­rapa­tang-pantao ng isang Ba­guio-based photojournalist na dumanas ng hindi pa­re­has na pagturing ng pu­lisya.

Ipinahayag ito ni CHR Commissioner Leila De Lima, sa panayam sa GMA­News. Tv na aalamin nila kung tala­gang nilabag ni P/Insp. Joseph Del Castillo, hepe ng Police Community Precinct 4, ang karapatan ni Cesar Re­yes, photojournalist ng Peo­ple’s Tonight, matapos na ito ay masang­kot sa simpleng traffic accident noong gabi ng Setyem­bre 18 sa Session Road, Baguio City.

Nagsampa na rin ng kau­kulang kaso si Reyes laban kay Del Castillo, na nagdiin sa kanya na makulong.

Ginawa ni De Lima ang aksyon matapos maalarma ang Quezon City Press Club (QCPC) kaugnay sa naga­nap na insidente sa Baguio City, na may nakakakilabot na epekto sa pamamahayag sa bansa.

“Ang kaso ni Reyes ay concern ng bawat journalist. Puwede itong mangyari kahit kanino, kung magsa­sawa­lang-kibo na lamang tayo,” ayon kay Joel Sy Eg­co, QCPC president at chairman ng National Press Club’s committee on press freedom.

Si Reyes ay nakulong ng 80-oras sa Baguio City Jail at nakalaya lamang noong Lunes matapos makapag-piyansa ng P3,000 sa kaso nitong grave threat.

Dinismis naman ni Prose­cutor Ruth Bernabe ang kasong illegal possession na isinampa ni Del Castillo, sa kabila ng kompleto sa pape­les at permit ang nasabing baril. (Artemio A. Dumlao)

ARTEMIO A

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY JAIL

CESAR RE

COMMISSIONER LEILA DE LIMA

DE LIMA

DEL CASTILLO

HUMAN RIGHTS

JOEL SY EG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with