Suspek sa rape slay sumuko
CAVITE – Pinaniniwalaang inusig ng budhi kaya sumuko kahapon sa mga awtoridad ang isang mister na sinasabing humalay at pumatay sa isang 17-anyos na babae sa Dasmariñas, Cavite.
Kinilala ng hepe ng pulisya sa Dasmariñas na si P/Supt. Marcos Estrada Badilla, ang suspek na si Roel Anzano, pinsan ng biktimang si Elaine Guyamin ng Sitio Humayao sa Brgy Langkaan.
Base sa pagsisiyasat ni SPO1 Valero Bueno, huling na mataang buhay ang biktima na maghahatid ng pera sa kanyang lola sa nabanggit na barangay hanggang sa matagpuan ang bangkay nito sa plantasyon ng tubo sa madamong bahagi ng Sitio Buisan sa bayan ng Dasmariñas.
Napag-alaman din na sumama pa ang suspek sa paghahanap sa biktima bago umuwi sa kanilang lalawigan sa Nueva Ecija.
Nabatid din na napansin ang pagiging balisa ng suspek na kinakitaan ng kanyang misis na may mga kalmot sa katawan.
May teorya ang pulisya na sinurot ng budhi ang suspek kaya sumuko para harapin ang hustisya. Cristina Timbang
- Latest
- Trending