^

Probinsiya

Survivor malabo na sa 14 minero

-

Maliit  ang tsansa na mare­ kober ng buhay ang 14 minero na nakulong sa gumuhong tunnel noong Lunes sa bayan ng Itogon, Benguet, ayon sa ulat kahapon.

Batay sa report na nakara­ting kahapon sa National Disaster Coordinating Council (NDCC), nangangamba ang search and rescue team na posibleng patay na ang 14 minero sa loob ng tunnel ng Gold Field Mines sa nasabing bayan.

Sa tala ng NDCC , kabilang sa 14 minero ay sina Gilbert Matin, Garry Ganu, Rudy Bu­laing Jr., Joel Bulga, Jeyson Him­ayod, Rudy Himayod, Jojo Himayod, Juan Hi­mayod, Marvin Himayod, Vincent Himayod, Joseph Anayatan, Mario Anayatan, Gerry Mony­boda, at Robert Buay na pa­wang magkaka­mag-anak mula sa Ifugao, Mt. Province at Quirino.

Nabatid na nawawalan  na ng pag-asa ang search and rescue team na buhay pa nilang mailalabas ang mga bik­tima, dahil sa patuloy na lakas ng tubig na lumalabas sa mina­han.

Sa pahayag ng mga rescuer,  kung sakaling nakaha­nap man ng ligtas na lugar sa tunnel ang mga minero, ay hindi rin makakatagal dahil sa toxic gas sa loob ng minahan.

Sa radio interview, sinabi naman ni Itogon Mayor Mario Godio na umaasa silang may maililigtas pang survivor sa halip na pulos bangkay ng mga minero.

Sa kabila nito, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang pamilya ng mga biktima na maililigtas ang kanilang mga mahal sa buhay. Joy Cantos

GARRY GANU

GERRY MONY

GILBERT MATIN

GOLD FIELD MINES

ITOGON MAYOR MARIO GODIO

JEYSON HIM

JOEL BULGA

JOJO HIMAYOD

JOSEPH ANAYATAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with