7 kawal ni Bravo utas sa bakbakan

Pitong kawal ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) renegades at isang sundalo ng Phil. Army ang iniulat na napaslang ha­bang walong iba pang mi­litar ang nasugatan sa pa­ni­bagong bakbakan sa kagubatang sakop ng Kala­nugas, Lanao del Sur noong Miyerkules.

Sa phone interview, si­nabi ni Col. Agane Adria­tico, spokesman ng Army’s 1st Infantry Division, naga­nap ang sagupaan dakong alas-12:30 ng tanghali sa hangganan ng mga Brgy. Pandaw Lupa at Kalanuan, Kalanugas. 

Naniniwala si Col Ad­riatico na grupo nina MILF renegade Commanders Abdulrahman Macapaar alyas Commander Bravo at Aleem Sulayman Panga­lian ang nakasagupa ng tropa ng militar.

Nabatid na ang tropa ng Bravo at Alpha Company ng Army’s 51st Infantry Bat­­talion ay lulan ng military vehicle nang makasa­gupa ang grupo ng da­la­wang kumander ng MILF.

Ayon kay Adriatico, bu­nga ng insidente ay nag­ka­putukan ang magkala­bang panig na tumagal ng may 45-minuto at napa­atras ang mga kalaban matapos na rumesponde ang combat aircraft ng Philippine Air Force (PAF) na nagbigay ng closed air support sa ground forces ng Phil. Army.

Kaagad namang nag­siatras ang MILF rebs bitbit ang pitong nasawi at hindi mabilang na mga sugatan patungo sa direksyon ng kabundukan ng Kalanugas.

Sa kasalukuyan, ayon pa sa opisyal ay patuloy naman ang hot pursuit operations laban sa grupo ng dalawang kumander.

Show comments