Imbakan ng shabu ni-raid

Umaabot sa P 5 milyong halaga ng kemikal sa pag­gawa ng shabu ang na­sam­sam makaraang sala­kayin ng pinagsanib na elemento ng  pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang apartment na ginawang bodega ng shabu sa Masbate City  kahapon ng umaga.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Reuben Sindac, na isinumite sa Camp Crame, ni-raid ng mga awtoridad ang Kimberly Apartment sa Purok 4, Brgy. Nursery matapos na­katanggap ng impor­mas­yon na iniimbakan ng kemikal ng shabu.

Napag-alamang nire­rentahan ng isang Jeffrey Villegas, na nagpatira sa may 5-Taiwa­nese, ka­bilang ang isang nakilala lamang sa panga­lang Chong.

Gayon pa man, mabilis na nakatakas ang mga suspek matapos na matunugan ang presen­sya ng pulisya. (Joy Cantos at Ed Casulla)

Show comments