^

Probinsiya

4 gun smugglers kalaboso

-

Apat na kalalakihan na pinaniniwalaang sangkot sa pagpupuslit ng baril, ang nalambat ng militar sa isinagawang operasyon sa bayan ng Tulunan, Cotabato kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, kinilala ni Major Armand Rico, regional Army spokesman, ang mga suspek na sina Junjie Gurit, 26; Johnie Pananggulon, 25; Jun Panang­ gulon, 42; at si Tobias Gurit, 54.

Napag-alamang dakong alas-2:30 ng hapon nang makorner ng tropa ang 57th Infantry Battalion ng Phil. Army, ang apat sa bisinidad ng Barangay La Esperanza sa bayan ng Tulunan.

Nasamsam mula sa mga suspek ang kulay itim na multicab (MCH 604),  dalawang cal. 45 revolver, isang 9mm pistol,  isang M14 assault rifle, mga bala at halagang P66,185.

Kasalukuyang isinasailalim sa masusing imbestigasyon  ang mga suspek. (Joy Cantos) 

vuukle comment

BARANGAY LA ESPERANZA

CAMP AGUINALDO

INFANTRY BATTALION

JOHNIE PANANGGULON

JOY CANTOS

JUN PANANG

JUNJIE GURIT

MAJOR ARMAND RICO

TOBIAS GURIT

TULUNAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with