P100-M munisipyo naabo

Umaabot sa P100 mil­yong halaga ng ari-arian ang iniulat na naabo makaraang masu­ nog ang dalawang palapag na mu­nisipyo ng bayan ng Cala­siao at nadamay ang fa­mous pilgrimage shrine na Señor Divino Tesoro sa lala­wigan ng Pangasinan kaha­pon ng ma­daling-araw.

Sa maikling pagpupulong ng Sangguniang Bayan na pinangunahan ni Vice Mayor Ferdinand Galang, sinabi ni Calasiao Mayor Roy Macan­lalay na naipasa ang resolus­yon na isinasailalim sa state of calamity ang nasabing ba­yan at pag-imbestiga sa lokal na fire station na hindi ka­agad nakaresponde sa na­ga­nap na sunog kahit na may ilang metro lamang ang layo.

Nagpasa rin ng resolus­yon ang konseho para sa financial assistance mula kina Pangulong Arroyo at Vice President Noli de Castro at maging kina 3rd District Rep. Ma. Rachel Arenas at Gov. Amado Espino Jr.

“Wala ng natira talaga,” pa­hayag ni Mayor Macan­lalay.

Samantala, naisugod sa Villaflor Doctor’s Hospital sa Dagupan City, si deputy fire marshal, SFO3 Jose Carino matapos ma-suffocate ha­bang inaapula ang apoy.

Gayon pa man, pansa­man­talang ginamit ng mga opisyal ng nasabing muni­sipyo ang training center, gu­sali ng senior citizens at ang astrodome na hindi pa nata­tapos itayo.

Inamin ni Mayor Macan­lalay na walang anti-fire equip­ment na nakalagay sa muni­sipyo at ang mga linya ng kur­yente ay binagong lahat.

Bunga ng insidente ay ini­lipat ang 83-preso ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nasa unang palapag lamang na nasa katabing himpilan ng pulisya.

Kasalukuyan pang iniim­bestigahan ng mga awtori­dad ang pinagmulan ng apoy.

Show comments