^

Probinsiya

Cafgu itinumba

-

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang akti­bong miyembro ng Citizens Armed Forces and Geographical Unit ang nasawi matapos pagbabarilin ng mga hinihinalang sparrow unit ng New People’s Army sa loob ng palengke kaha­pon ng umaga sa Ba­rangay San Vicente, Bulan, Sorsogon.

Nakilala ang biktima na si Rafael Geograpo, 49, may asawa, residente ng natu­rang barangay.

 Abala sa pagbebenta ng kanyang panindang isda sa palengke ang bik­tima nang bigla siyang la­pitan ng da­lawang rebeld­eng armado ng .45 kalib­reng baril bago siya pina­putukan ng mga ito.

Agad na tumakas ang mga suspek pagkatapos ng pamamaslang. (Ed Casulla)

Ahente wasak ang bungo

KIDAPAWAN CITY – Halos wasak ang bungo ng isang civilian agent matapos barilin ng ‘di kilalang mga lalaki habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Carmen, North Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ni SPO2 Teng Dimapalao, imbestigador ng Car­men Police, ang biktima na si Barbi Octavio, isang magsa­saka. Si Octavio, ayon kay Dimapalao, ay patungo sa Pobla­cion ng Carmen nang sabayan ng mga suspek na sakay din ng motorsiklo.

Nang makarating sa isang masukal na bahagi ng Ba­rangay Katanayanan, agad siyang pinaputukan ng mga suspek. (Malu Cadelina Manar)

Hired killer nalambat

Ormoc City – Isang umano’y hired killer na si Junel Langres, 22, ang nadakip habang minamanmanan niya ang tahanan ng bibiktimahin niyang isang fruit dealer sa Sitio Coob, Barangay Tambulilid sa lunsod na ito kamakalawa ng tanghali. Inamin ni Langres sa mga awtoridad na kasama siya sa isang grupo ng mga hired killer na inupahan ng isa ring fruit dealer na gustong ipapatay ang sana’y bibiktimahin nila. (Roberto Dejon)

2 tricycle sinalpok

CAVITE – Nasawi ang 82 anyos na si Florediliza Poblet habang 13 ang nasugatan nang salpukin nang isang FX tamaraw ang dalawang pampasaherong tricycle sa Naic, Cavite kamakalawa ng gabi. Dinala sa San Lorenzo Luiz ang mga sugatan. (Cristina Timbang)

Minimart hinoldap

Isang guwardiyang si El­ mar Issagira ang namatay ha­bang dalawa katao ang suga­tan nang pagbabarilin sila ng tatlong armadong lalakeng nangholdap sa Nolasco Mini­mart sa Centro Poblacion, Oas, Albay ka­ma­kalawa ng gabi. Kabilang sa sugatan ang may-ari ng grocery na si Aje­rico No­lasco. Ang isa pang su­gatan ay si Edmundo Romero na guwar­diya rin sa naturang etablis­imiyento. (Joy Cantos)

2 dedo sa salpukan

Dalawa katao ang nama­tay habang 11 pa ang nasu­gatan nang magbanggaan ang isang motorsiklo at isang pampasa­ herong bus na Florida sa ka­habaan ng national highway ng San Jose City, Nueva Ecija ka­makalawa. Hindi pa maba­tid hanggang isinusulat ito ang pangalan ng mga na­sawi na isang lalake at isang menor-de-edad na babae. Isinugod sa pagamutan ng San Jose ang mga sugatan. (Joy Cantos)

BARANGAY TAMBULILID

BARBI OCTAVIO

CENTRO POBLACION

CITIZENS ARMED FORCES AND GEOGRAPHICAL UNIT

ISANG

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with