Landslide: 58 nalibing

Tinatayang aabot sa 58 sibilyan ang ini­ulat na nalibing kung saan pina­ngangam­bahang na­sawi ha­bang marami pa ang nawawala sa naga­nap na magkasunod na landslide sa minahang sakop ng Barangay Ma­sara sa bayan ng Ma­co, Compostela Val­ley ka­ma­kalawa at kahapon ng madaling-araw.

Base sa ulat ng regional police director na si Andres Caro, aabot sa 18-bahay na nasa dalisdis ng bun­dok sa nabanggit na ba­rangay ang nata­bunan ng gu­muhong putik at bato na ikina­sugat ng may 17-katao habang aabot na­man sa 70 pamilya ang nag­silikas patu­ngong sim­bahan at ilang esku­welahan.

Bunsod naman ng pa­tuloy na buhos ng ulan, muling gumuho ang lupa sa nasabing ba­rangay dakong alas-3 ng madaling-araw kahapon kung saan narekober naman ang anim na bangkay ha­bang maraming iba pa ang pinaniniwalaang natabunan ng buhay, ayon sa ulat ni Joven­cio Angera, district chair­­man ng Maco, Compostela Valley.

Sinabi pa ni Caro na naging sagabal sa tro­pa ng militar at pulisya sa pag-rescue ng mga bik­timang natabunan ng putik at bato, ang pag­ka­wala ng konek­siyon ng mga cellular phone sa nabanggit na lala­wigan.

Nasaksihan ng isa sa nakaligtas sa landslide na si Roger Co­ra­les, ang mga resi­den­teng humihingi ng sak­lolo habang kina­kain ng putik at bato at pawang mga kamay na lamang ang naka­labas.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Este­ban Mahilit, 59; Maria Christine Labor, 4; Ma. There­sa Labor, 1; Rose Marie Labor, 28; at si Harold Sanchez.

Sugatan namang na­isalba sina Pagay Pablo, 9; Eduardo La­za­ro, 65; Estrella Mag­na­nao, 52; Eugene Pera­les, Inaya Sotero, 37; Edwin Romeo, 36; Jeremy  Aboul, 28; at isa pang hindi nakila­lang pasyente na kasa­luku­yang nasa Davao Regional Hospital sa Ta­gum City.

Patuloy naman ang rescue operation ng mga awtoridad kahit na bumubuhos ang mala­kas na ulan para may maisalba sa panana­lasa ng landslide.

Matatandaang no­ong nakalipas na taon ay nagka-landslide rin sa nabanggit na mina­han kung saan sam­pung sibilyan ang iniu­lat na nasawi kaya ini­rekomenda ng Bureau of Mines and Geosciences na abando­nahin ng mga resi­dente ang nasabing lugar.

Subalit karamihang residente na nabubu­hay sa pagmimina ng ginto ay tumatangging lu­misan sa minahan, ayon pa kay Caro. – Da­nilo Garcia

Show comments