^

Probinsiya

Kinatay na mister natagpuan

-

CAMP CRAME — Nabalot ng matinding takot ang residente makaraang matagpuan ang tsinap-chop na katawan ng mister sa gilid ng sapa sa bayan ng Binal­bagan, Negros Occidental kamakalawa. Ang biktimang iniulat na nawawala may tatlong araw na ang nakalipas ay nakilalang si Jose Ronnie Esseler, 31, ng Bgy. Mam­bagaton, Hima­maylan City. Batay sa ulat ni P/Senior Supt. Alan Resuma na isinumite sa Camp Crame, bukod sa pinugutan ang biktima ay tsinap-chop pa na mis­ tulang karne ang katawan nito na posibleng may ma­tinding galit. – Joy Cantos

Drayber inutas dahil sa krudo

CAVITE — Dahil sa pagtatalo sa tumataas na presyo ng petrolyo, napaslang ang isang 42-anyos na traysikel dray­ber ng kanyang kainuman ng alak sa Barangay Kay­bagal, Tagaytay City kamakalawa. Ang biktimang nagtamo ng maraming saksak ng patalim sa katawan ay nakilalang si Alberto Baybay, habang pinaghahanap naman ang suspek na si Wilson Cherebia, 32, kapwa naninirahan sa nabanggit na barangay.  –Cristina Timbang

LPG blast: 60 sugatan

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Umaabot sa 60- ka­tao ang iniulat na nasugatan makaraan sumabog ang cargo truck na may liquefied petroleum gas (LPG) sa bayan ng Carmona Cavite kahapon ng umaga. Ayon kay P/Senior Supt. Hernando Zafra, Cavite police director, sumabog ang Lorie Bullet Bulk tanker truck na may 8000 kilograms ng LPG na pag-aari ng Republic Gas Corporation habang nagdidiskarga sa Induplex Inc., South­coast Industrial Estate sa Barangay Bancal bandang alas-7 ng umaga. Napag-alamang aabot sa P.3 milyong ari-arian ang nawasak ma­tapos madamay ang dalawang bahay. Sa panayam naman kay P/Chief Insp. Danilo Cabaluna, hepe ng Carmona fire department, nagmula ang pagsabog matapos matanggal ang outlet valve sa container at maglikha ng spark. Pinag-aaralan pa ng mga imbestigador kung anong kaso ang maaring isampa laban sa may-ari ng nasabing esta­blis­ yamento. – Arnell Ozaeta

Banko sa Laguna nilooban

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Isang rural bank ang iniulat na nilooban ng apat na kalalakihan kamakalawa sa Sta. Rosa City, Laguna. Sa ulat ni P/Supt. Rodney Ramirez, police chief ng Sta. Rosa, gamit ang bolt cutter at crow bar, pinasok ng mga ka­watan ang Country Rural Bank of Taguig sa national highway sa Barangay Dila bandang alas-2:15 ng ma­daling-araw. Lingid sa kaalaman ng mga kawatan, tumunog ang security alarm ng banko kaya mabilis na nakaresponde ang mga pulis hanggang sa maaresto ang isa sa apat na suspek na si Richard Buhay ng Novaliches, Quezon City.

Sa panayam ng PSNgayon kay Ramirez, natiyempuhan si Buhay habang papatakas na nakasuot ng tsinelas at may nakaumbok na makapal na bagay sa bulsa.

Nang sitahin, nasamsam kay Buhay ang halagang P181,500.00 at umaming may tatlo pa siyang kasamahan na nakatakas at dala-dala ang ‘di-pa malamang halaga. “Isa na lang ang inabot naming suspek kasi naghiwa-hiwa­lay na sila nung makuha na ang pera sa vault ng banko at mag­kita-kita na lang daw ang apat sa Maynila,” pahayag pa ni Ramirez.

Tumanggi namang pangalanan ni Ramirez ang iba pang kawatan para hindi makaapekto sa follow-up operation habang inaalam pa rin ang kabuuang halaga na natangay sa banko.  – Arnell Ozaeta

ALAN RESUMA

ALBERTO BAYBAY

ARNELL OZAETA

BARANGAY BANCAL

BARANGAY DILA

BARANGAY KAY

BUHAY

RAMIREZ

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with