Saku-sakong 'damo' nasabat
TUBLAY, Benguet — Isang truck ng pinatuyong dahon ng marijuana na patungong Baguio City ang nasabat ng mga awtoridad noong Sabado ng umaga sa checkpoint sa Barangay Acop sa bayan ng Tublay, Benguet.
Ayon kay SPO4 Romeo Abordo ng PDEA-Cordillera, aabot sa 39 na sako ng kontrabando na tumitimbang ng 946 kilos ang nasamsam
Ang nasabat na kontrabando na nagkakahalagang P23,662,500 ay pinaniniwalaang ipagbibili sa labas ng Baguio City, ayon kay P/Chief Eugene Martin, Cordillera police director.
Nasakote naman ang drayber ng Isuzu Elf truck (XCK832) na si Eugene Lingaling, 26, tubong Sagpat, Kibungan.
Ang pagkakasabat sa kontrabando ay bunsod ng impormasyong natanggap ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agen cy (PDEA) at ilang pulis-Benguet.
Ayon naman kay Vicente Sotto III, chairman ng Dangerous Drugs Board, 50 porsiyento ng marijuana na ipinakakalat sa bansa ay nanggagaling sa kabundukan ng Cordillera. Andy Zapata Jr. at Artemio Dumlao
- Latest
- Trending