^

Probinsiya

15 pulis sinibak, kinasuhan

- Artemio Dumlao -

LA TRINIDAD, Ben­guet — Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin at makasuhan ang labinlimang pulis ka­bilang na ang kanilang hepe matapos na sumabit sa pagkawala ng 60 bricks ng marijuana na kanilang nasamsam noong Pebrero sa bayan ng Kapangan.

Kabilang sa mga pulis na kinasuhan sa pagka­wala ng 60 bricks ng marijuana mula sa 100 bricks na nasamsam sa operas­yon ay sina P/Senior Insp. Bernardo Capela, police chief; SPO1 Melvin Cante, P03 Wilfred Kamfoli, P01 Julius Luis na pawang na­haharap sa mas mabigat na kasong administratibo habang sina SP01 Melis Pi-ay, SP02 Santos Valen­tin, SP01 Jonathan Meris, SP01 Jesse Asiong, SP01 Leo­nardo Buya, P03 Grant Balagsa, P03 Depayso Mondero, P03 Jueves Sal­tin, P02 Wilson Amoy, P02 Mark Guzman, at si P01 Lacton Legaspi ay naha­harap sa lesser offenses.

Ayon sa ulat, ang 15-pulis kabilang na ang nakumpiskahan ng saku-sakong marijuana na si Robert Balluda ay kinasu­han na sa Benguet Prose­cutor’s Office.

Matatandaan na noong Agosto 22, isang sibilyang testigo ang lumutang sa isinasagawang imbestigas­yon nina Cordillera police director Chief Supt. Eugene Martin at Benguet police director Senior Supt. Danilo Pelisco.

Lumilitaw sa testimonya ng mga opisyal ng pulis na nakaalam sa pagkawala ng mga brick ng marijuana na sangkot din si P/Senior Insp. Capela at kanyang mga tauhan. 

Pinabulaanan naman ni Capela at mga tauhan nito na sangkot sila sa nawa­walang kontrabando.

Aabot sa 15 kilong marijuana bricks ang natag­puan ng pulis-Benguet no­ong Agosto 26 na ibinaon sa forested area sa Sitio Lomon, Barangay Paykek sa bayan ng Kapangan. Sa­mantala, anim naman ki­long pinatuyong dahon ng marijuana ay nahukay sa puno ng saging.

Ang mga pulis na sang­kot kabilang na si Capela ay walang lugar sa police organization at kailangan siba­kin at patawan ng ka­ukulang parusa,” pahayag pa ni P/Chief Supt. Martin. Dagdag ulat ni Myds Supnad

AGOSTO

BARANGAY PAYKEK

BENGUET

BENGUET PROSE

BERNARDO CAPELA

CAPELA

CHIEF SUPT

DANILO PELISCO

DEPAYSO MONDERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with