^

Probinsiya

Preso nakitang patay

-

NUEVA ECIJA – Isang preso sa Jaen Municipal Jail ang natagpuang patay ng kanyang kapwa preso sa loob ng comfort room nito noong Huwebes ng madaling-araw sa Jaen ng lalawigang ito. Kinilala ng pulisya ang namatay na detenido na si Orlando Ocampo y Malgapo, 57, ng Barangay Dampulan, Jaen. Sa record. napag-alaman na si Ocampo ay sinampahan ng kasong parricide sa pagkamatay ng kanyang kabiyak na si Ma. Nida Ocampo y Musende. (Christian Ryan Sta. Ana)

Retirado dinedo

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Isang re­tiradong miyembro ng Phil. Army ang nasawi matapos tambangan at pagbabarilin ng mga mi­yembro ng rebeldeng new People’s Army kamaka­lawa ng gabi sa Bongcayao St. Barangay Sagrada, Baao, Camarines Sur. Nakilala ang biktima na hindi na umabot pa ng buhay sa Rabusa Hospital na si Ret. MSgt. Rodolfo Talasan, 50, may asawa at residente ng naturang lugar. (Ed Casulla)

Ex-police nag-suicide

KIDAPAWAN CITY – Isang dating pulis na si Rolando Tatad, 45, ng Madrid Subdivision, Kida­pawan City ang nagpa­tiwakal sa pama­magitan ng pagbaril sa sarili sa loob ng kanyang bahay ka­maka­lawa ng hapon.

Katatapos lamang ni Ta­tad magpakain ng kanyang mga alagang baboy, ka­sama ang kanyang anak na babae nang tumuloy ito sa kwarto nila ng kanyang asawa.

Una na siya’ng nagtang­kang magbigti, gamit ang kanyang sinturon pero natu­nugan ng kanyang asawa na dali-daling nagtungo ng ku­warto nila para pigilan ang pag­papakamatay nito.

Pero bigla na lamang binunot ni Tatad ang kan­yang baril sa kanyang tagiliran at binaril ang sarili sa ulo na nag­sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Si Tatad ay dating mi­yem­­bro ng Kidapawan City Police. Nagbitiw siya sa tung­kulin noong mga huling taon ng dekada ’90 at nagne­gosyo na lamang. (Malu Cadelina Manar)

BARANGAY DAMPULAN

BONGCAYAO ST. BARANGAY SAGRADA

CAMARINES SUR

CHRISTIAN RYAN STA

ED CASULLA

ISANG

JAEN

JAEN MUNICIPAL JAIL

KANYANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with