^

Probinsiya

Bigas para sa evacuees ninakaw ng MILF

- Joy Cantos -

Hinihinalang, dahil sa food blockade umano na ipinatutupad ng militar laban sa mga rebelde, nagna­nakaw na rin ng pagkain ang mga renegade na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front.

Kamakalawa, may 60 sako ng bigas na lulan ng isang trak at donasyon ng United Nations World Food Program ang hinarang at tinangay ng may 20 arma­dong kasapi ng MILF sa Maguindanao.

Ang mga bigas ay dadal­hin sana sa isang evacuation center sa Mamasapano, Maguindanao.

Naunang napaulat na inakusahan ng MILF ang Armed Forces of the Philippines ng pagsasagawa ng food blockade bagaman pinabubulaanan ito ng militar.

Ayon sa pulisya, mga ta­uhan ni MILF 105 Base Commander Ameril Umbra Kato ang mga humarang sa trak sa Barangay Libutan ng naturang lalawigan bandang alas-2:00 ng hapon.

Galing sa Mamasapano Municipal Hall ang truck at ihahatid ang mga bigas nina Barangay Councilor Nasser Mapangal at Councilor Uda­san Bundala nang harangin ito ng mga rebelde.

Sapilitang kinuha ng mga rebelde na pinamumunuan ni Commander Bonie Ayu­nan, Batallion Commander ni Kato, ang mga bigas at isi­nakay sa dalawang hand-tractors at mabilis na tuma­kas patungo sa Datu Saudi Ampatuan.

Ang mga bigas ay laan sana sa mahigit 18,000 eva­cuees mula sa 10 barangay sa Mamasapano.

Kaugnay nito, pinaigting pa ng militar at pulisya ang pagbabantay sa mga relief goods na ibinibiyahe patu­ngo sa mga evacuation center sa mga lugar na apek­tado ng opensiba laban sa MILF renegades sa Lanao del Norte at Central Minda­nao.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BARANGAY COUNCILOR NASSER MAPANGAL

BARANGAY LIBUTAN

BASE COMMANDER AMERIL UMBRA KATO

BATALLION COMMANDER

CENTRAL MINDA

COMMANDER BONIE AYU

COUNCILOR UDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with