Seaman tinodas ng kabaro
BATANGAS CITY, Batangas – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang seaman ng kanyang kabaro makaraang magtalo ang dalawa sa loob ng barkong nakadaong sa Batangas City, Batangas kamakalawa ng madaling-araw.
Kinilala ni P/Supt, Manuel Abu, hepe ng Batangas City PNP, ang napatay na si Eduardo Bugna Jr., 27, residente ng Calapan City, Oriental Mindoro at crew ship oiler ng M/V Starlite Ferry.
Naaresto naman ang suspek na si Paul Braza, 25, isang crew ship engine cadet ng nasabi ring barko.
Ayon sa report, bandang alas-2 ng madaling-araw nang gisingin ni Bugna si Braza para utusang mag-report sa kanyang poste sa engine room ng barko.
Dahil sa inaatok at papungas-pungas pa si Braza habang papunta sa kanyang poste, pinagsasampal at pinagsusuntok ni Bugna ang una para ito magising.
Subalit sa kahihiyang sinapit, pinagsasaksak ni Braza ang kanyang opisyal na si Bugna hanggang sa ito’y mamatay. – Arnell Ozaeta
- Latest
- Trending