^

Probinsiya

Misis inutas, mister nag-suicide

- Joy Cantos -

CAMP CRAME – Pinas­lang muna ng selosong mister ang kaniyang misis na media relations officer ng kongresman saka nag­baril sa sarili sa harap mis­mo ng kanilang mga anak sa Barangay Balulang, Cagayan de Oro City ka­makalawa ng gabi.

Sa phone interview, ki­nilala ni P/Supt. Isagani Genabe Jr., regional officer-in-charge,  ang nag-sui­cide na si Stephen La­gamon,  31, technician  sa appliance center sa Bukid­non. 

Nakilala naman ang pi­natay na misis na si Diana Rose Lagamon, 31, media relations officer ni Rep. Rolando Uy ng 1st District ng General Santos City.

Si Stephen ay nagbaril sa bibig na naglagos sa ulo, samantalang si Diana Rose ay binaril sa tiyan at ulo na namatay habang ginagamot sa ospital.

Nabatid na bago ma­ganap ang krimen ay nag-away ang mag-asawa sa loob ng kanilang tahanan sa Roa Apartment noong Martes ng hapon.

Humantong ang pagta­talo sa madugong insi­dente dakong alas-7 ng gabi sa harap mismo ng kanilang mga anak.

Ayon sa ulat, selos ang pangunahing motibo dahil kalimitang inaaway ng mister ang maganda nitong misis na palaging gabi nang umuuwi sa sobrang abala sa trabaho at ma­dalas pang bumibiyahe patungong Maynila. Pa­tuloy naman ang imbesti­gasyon ng pulisya.

vuukle comment

BARANGAY BALULANG

DIANA ROSE

META

MICROSOFT WORD

MSO

SHY

STYLE DEFINITIONS

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with