Mag-iina dinakma sa paggawa ng pampasabog

BATAAN – Rehas na bakal ang binagsakan ng mag-iina makaraang maaktuhan ng mga awtoridad na gumagawa ng dinamita sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Lamao sa bayan ng Limay, Bataan kahapon ng umaga.

Pormal na kinasuhan ni P/Supt. Warren de Leon, hepe ng Bataan CIDG, ang mga suspek na sina Teresita Macapagal, 56; Roberto Macapagal, 29; at Susana Macapagal pawang naninirahan sa #009A Riverside Street sa nabanggit na barangay.

Inaresto ang mga suspect sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Bartolome Flores ng Mariveles- Balanga City Regional Trial Court Branch-4 sa Bataan.

Nakumpiska sa mga suspek ang 34 kilong ammonium nitrate na nakalagay sa 14 na plastic bag, 6 na kahon na naglala­man ng 200 blasting caps, 50 detona­ting cords na mayroong 50 blasting caps, 115 piraso ng blasting caps at isang bags na naglalaman ng 25 kilong ammonium nitrate. Jonie Capalaran

Show comments