Kampo ng MILF rebs nakubkob

CAMP AGUINALDO – Nakubkob ng tropa ng militar ang isa pang training camp ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) renegades sa patuloy na opensiba sa Barangay Guitapo, Datu Saudi Am­pa­tuan, Maguindanao, ayon sa opisyal kahapon.

Ayon kay AFP-East­mincom Spokesman Major Armand Rico, nakubkob ng mga sundalo ng Army’s 63rd Division Reconnaissance Company ang training camp ng MILF renegades sa bahagi ng Ba­rangay Modia, Datu Saudi Ampatuan.

“Kahit nag-umpisa na ang Ramadan kahapon ay hindi kami titigil sa open­siba laban sa grupo ni Kato,” pahayag ni Rico.

Aminado naman si Rico na magkakaroon lamang ng pagbabago ng taktika laban sa operasyon sa MILF renegades sa pana­hon ng Ramadan na oob­ser­bahan ng mga Muslim sa loob ng isang buwan.

Sa kasalukuyan ay pa­tuloy ang operasyon ng militar laban sa grupo ni Kato na nagpapalipat-lipat ng taguan sa Maguinda­nao. (Joy Cantos)

Show comments