^

Probinsiya

26 minero kalaboso

-

KIDAPAWAN CITY – Re­has na bakal ang binag­sakan ng 26 minero maka­raang maaktuhang illegal na nagmimina ng ginto sa Barangay Pulang Bato sa bayan ng Tampa­kan, South Cotabato, ka­ma­kalawa.

Ayon kay Lourdes Ju­milla, secretariat head ng Provincial Mining Regulatory Board ng South Cota­bato, sangkot ang mga sus­pek sa tinatawag na “banlas” mining, paraan ng pagmimina na ginagamitan ng tubig at mercury kung saan sinisira nito ang ka­bundukan.

Kasama ni Jumilla sa operasyon laban sa mga minero ang ilang elemento ng pulis-Tampakan, Bravo Company ng 27th Infantry Battalion, mga opisyal ng Barangay Pulang Bato.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang chain­saw, water hose, weighing scale, at 100 gramo ng mercury.

Kabilang din sa pinag­pupugaran ng mga iligal na minero ay ang Sitio B’lan­gas sa Barangay Kematu sa bayan ng T’boli, South Cotabato.

Base sa pag-aaral, aabot sa 4 milyong metriko tonela­da ng ginto ang nananatiling ‘di-pa nadi-develop sa ba­yan ng T’boli. (Malu Cadelina Manar)

vuukle comment

BARANGAY KEMATU

BARANGAY PULANG BATO

MICROSOFT WORD

MSO

SHY

SOUTH COTABATO

STYLE DEFINITIONS

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with