10-taong kulong vs snatcher

CEBU — Sampung ta­ong pagka­kulong ang ini­hatol ng ma­babang korte laban sa isang peanut vendor na napatuna­yang nag­nakaw ng kuwintas noong Marso 2007 sa Cebu City.

Si Admond Ramoya na hindi dumadalo sa itinak­dang court hearing sa kaso at walang naiprisintang anumang testigo para pabu­laanan ang paratang laban sa kanya ay hinatu­lan ni Judge Estella Alma Singco ng Regional Trial Court Branch 12.

Kinasuhan si Ramoya ng magreklamo sa pulisya si Phitcy Villariasa, na nahab­lutan ng kuwintas habang naglalakad sa kahabaan ng P. del Rosario Street noong March 30, 2007.

Sa follow-up operation nasakote si Ramoya suba­lit nagpiyansa at matapos na isampa ang kaso sa korte ay hindi na ito naka­dalo pa sa mga pagdinig.

Nagpalabas na ng warrant of arrest ang korte laban kay Ramoya. Freeman News Service

Show comments