^

Probinsiya

4 Marines todas sa ambush

-

Apat na miyembro ng Philippine Marines ang napaslang habang 10 pa ang nasugatan matapos na paulanan ng mortar ng mga pinaghihinalaang bandidong Abu Sayyaf ang convoy ng tropa ng pamaha­laan kahapon ng umaga sa Patikul, Sulu.

Sa nasabing insidente, ayon kay Marine Commandant Major Gen. Ben Moham­mad Dolorfino, nalagasan sila ng apat na tauhan habang ka­bilang naman sa sugatan ang dalawang opisyal ng Marines.

Pansamantala namang tumanggi muna si Dolorfino na tukuyin ang mga pa­ngalan ng mga namatay niyang tau­han dahil kaila­ngan pang sa­bihan ang pamilya ng mga ito.

Bumabagtas ang convoy ng Marine Battalion Landing Team 11 na pinamumunuan ni Lt. Col. Jesulito Calimag nang paulanan ng mortar at iba pang bala ng matataas na uri ng armas pagsapit sa Baran­gay Bonbon, Patikul. 

Base naman sa report ni 2nd Marine Brigade Com­man­der Col. Celestino Pe­rey­ra, ayon kay Navy Spokes­man Lt. Col. Edgard Arevalo, ang tropa ng mga sundalo ay patungo sa Brigade Command Post sa Barangay Bayug, Talipao, Sulu nang mang­yari ang pananambang.

Sa kabila ng sorpresang pag-atake ay nakipagpalitan ng putok ang tropang gob­yerno sa grupo ng mga ban­dido na tumagal ng 10 minuto. (Joy Cantos)

ABU SAYYAF

BARANGAY BAYUG

BEN MOHAM

MICROSOFT WORD

MSO

SHY

STYLE DEFINITIONS

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with