^

Probinsiya

2 kampo ng militar sinalakay ng MILF

- Joy Cantos -

Tatlong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front renegades ang na­paslang habang apat pa ang nasugatan matapos salakayin ng mga rebelde ang dalawang kampo ng militar na tinangka ng mga itong kubkubin sa Maguin­danao nitong Biyernes ng gabi.

Sa isang panayam sa tele­pono, sinabi ni 6th Infantry Division Spokesman Col. Julieto Ando ng Philippine Army na, bandang alas–7:30 ng gabi nang lu­musob ang grupo ni 105th Base Commander Ameril Umbra Kato sa himpilan ng Army’s 6th Infantry Battalion na nakabase sa Brgy. Salvo, Datu Saudi Ampa­tuan ng lalawigan.

Si Kato, may patong sa ulong P5 milyon, ang si­yang nasa likod ng pu­wersahang pananakop sa 15 barangay sa pitong bayan ng North Cotabato noong unang bahagi ng buwang kasalukuyan.

Ayon kay Ando, agad pinaulanan ng B 40 anti-tank rockets at automatic na mga malalakas na ka­libre ng armas ng grupo ng MILF renegades ang nasa­bing kampo na tinangka ng mga itong kubkubin.

Taliwas sa inaasahan ng MILF renegades ay na­kahanda ang puwersa ng mga sundalo kung saan nakipagpalitan ang mga ito ng putok sa mga kalaban.

Sa kasagsagan ng pali­tan ng putok ay tatlo sa mga rebelde ang napas­lang habang apat pa sa mga ito ang nasugatan.

Base sa intelligence report, tatlong bangkay ng MILF renegades ang nakita ng mga residente na hila-hila ng mga nagsisitakas ng mga itong kasamahan kung saan kinilala ang dalawa sa mga ito ng mga residente sa alyas na Taif at Samsudin.

Isinunod namang sala­kayin ng mga rebelde ang himpilan ng 46th IB ng Army sa Barangay Bagat, Guin­dolongan, Maguin­danao.

Ang mga sundalong nagbabantay sa nasabing kampo ay nakipagpalitan ng putok sa umaatakeng mga kalaban hanggang sa tuluyan ang mga itong maitaboy.

Samantalang, tinangka rin umano ng naturang mga renegades na manu­nog ng mga kabahayan sa sinala­kay ng mga itong mga lugar matapos na marekober ng tumugis sa grupo ni Kato ang mga plastic containers na may lamang mga gas.

 

vuukle comment

BARANGAY BAGAT

BASE COMMANDER AMERIL UMBRA KATO

MICROSOFT WORD

MSO

SHY

STYLE DEFINITIONS

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with