Student pilot todas sa plane crash

Apat na araw matapos aksidenteng bumagsak ang C130 cargo plane ng Philippine Air Force sa Davao Gulf, isa na namang 2-seater training plane ang bumulusok sa karagatan ng Lubang Island, Occidental Mindoro na kumitil ng buhay ng isang student pilot nitong Huwebes.

Kinilala ang nasawi na si Mark Dennis Garcia, student pilot ng Airlink International Aviation College.

Sinabi ni Police Regional Office 4-B Supt. Luisito Palmera na dakong alas–5:00 ng hapon nang bumagsak ang Tomahawk training plane sa kara­gatan ng Sta. Kusang Loob, Ba­rangay Tagbac, Lubang Island.

Ang eroplano na mag-isang pinalilipad ni Garcia nang mangyari ang tra­hedya.

Dakong alas-9:00 ng umaga nang makuha ang bangkay ng biktima sa tina­ tayang may 500 me­trong lalim sa karagatan ng nasa­bing lugar.

Patuloy naman ang isina­sagawang imbesti­gasyon para matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano.

Show comments