Student pilot todas sa plane crash
Apat na araw matapos aksidenteng bumagsak ang C130 cargo plane ng Philippine Air Force sa Davao Gulf, isa na namang 2-seater training plane ang bumulusok sa karagatan ng Lubang Island, Occidental Mindoro na kumitil ng buhay ng isang student pilot nitong Huwebes.
Kinilala ang nasawi na si Mark Dennis Garcia, student pilot ng Airlink International Aviation College.
Sinabi ni Police Regional Office 4-B Supt. Luisito Palmera na dakong alas–5:00 ng hapon nang bumagsak ang Tomahawk training plane sa karagatan ng Sta. Kusang Loob, Barangay Tagbac, Lubang Island.
Ang eroplano na mag-isang pinalilipad ni Garcia nang mangyari ang trahedya.
Dakong alas-9:00 ng umaga nang makuha ang bangkay ng biktima sa tina tayang may 500 metrong lalim sa karagatan ng nasabing lugar.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon para matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano.
- Latest
- Trending