Misis na bungangera kinatay ng asawa

CAMARINES SUR – Tuluyan nang pinakawalan ng isang mister ang matagal na niyang kinikimkim na galit sa kanyang asawa dahilan sa pagiging bungangera nito na nagresulta upang maghuramentado siya sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Bagumbayan Norte  kamakalawa ng gabi.

Wala nang buhay na iniwang duguan ang biktimang si Aileen Rivera sa bakuran matapos na pagtatagain ng suspek na kinilalang si Danilo Rivera nasa hustong taong gulang  gamit ang isang mahabang itak.

Laking pagsisisi ng suspek nang sumuko sa mga awtoridad  batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, may posibilidad na napikon na si mister sa madalas na singhalan ni misis at lalong ikinagalit ng suspek nang sabihin ‘di umano ng biktima na palalayasin ang kanilang mga anak.

Hanggang sa kasalukuyan ay nakakulong ang suspek sa Naga City Police at posibleng pakawalan ang suspek dahil ayaw magsampa ng reklamo ang anim na anak. (Francis Elevado)

Show comments