Utol ni Manero pinalaya ng NPA

Matapos ang mahigit dalawang buwan, pinalaya na ng mga rebeldeng New People’s Army ang isang retiradong Army Master Sergeant na kapatid ni convicted killer priest  Norberto Manero at naunang dinukot sa Calinan District, Davao City, ayon sa opisyal  na ulat kaha­pon.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines-Eastern Mindanao Command Spokesman Major Armand  Rico na si ret. Master Sergeant Manero ay pinawalan ng NPA dakong alas-10:00 ng gabi sa Calinan District.

Ang retiradong sundalo ay nakababatang kapatid ni Norberto Manero na nasentensyahan dahil sa pagpatay  sa Italian priest na si Fr. Tulio Favali noong 1985. (Joy Cantos)

Show comments