Ozamis City alerto sa atake

Ozamis City, Misamis Occidental – Umalerto na ang pulisya laban sa posi­b­leng pag-atake ng grupo ni Moro Islamic Liberation Front renegade 102nd Base Commander Abdurahman Maca­paar alyas Commander Bravo sa lunsod na ito. 

Sinabi ni 1005th Police Provincial Mobile Group De­puty Chief Sr. Julius  Rosales na nakatanggap sila ng intelligence report hinggil sa balak umanong pagsalakay ng MILF sa Ozamis City.

Bunga nito, ayon kay Ro­sales, inalerto na niya ang buong puwersa ng pulisya sa buong lungsod habang tumu­long na rin ang tropa ng Philippine Army sa mahigpit na pagbabantay sa lugar na nasasakupan ng kanilang hurisdiksyon.

Ayon kay Rosales, nagta­laga na rin sila ng mga checkpoints sa mga entry at exit points sa mga istratehikong lu­gar sa Ozamis City partikular na sa Barangay Bagakay at La­pasan ng lungsod.

Idiniin ni Rosales na ang bayan ng Kolambugan, Lanao del Norte ay may 30 hang­gang 40 minuto lamang ang biyahe lulan ng bangka patu­ngong Ozamis City Port.  (Joy Cantos)

Show comments