DILG exec., 1 pa todas sa holdaper

Isang lokal na opisyal ng Department of Interior and Local Government at isa pang tao ang na­patay makaraang holdapin at sunugin ng mga arma­dong kalalakihan ang isang pampasaherong van sa Zamboanga Sibugay ka­ ha­pon ng umaga.

Kinilala ni Chief Supt. Jaime Caringal, Police Director ng Philippine National Police Region 9 ang mga nasawi ay sina Martin Dequino, municipal officer ng DILG sa bayan ng Imel­da at isang Eduardo Mi­rang, driver ng pampa­sa­herong  van.

Binabaybay umano ng van lulan ang pito pang pa­sahero sa bayan ng Mar­cos Tubig patungong Pa­ga­dian City dakong alas- 5:30 kahapon ng umaga nang harangin ng mga hinihinalang holdaper.

Gayunman, naramda­man ni Mirang na pawang holdaper ang mga ito kaya sa halip na huminto ay pi­nasibad ang sasakyan na nagbunsod sa mga holda­per na barilin ang sa­sakyan na ikinasawi ni Mirang.

Dead-on-the-spot rin si Dequino na nadamay la­mang habang dumadaan sa lugar.

Ayon kay Loreto Bhag­wani, DILG regional chief, pa­uwi si Dequino nang ma­aksidenteng madamay sa pa­mamaril ng mga ka­watan.

 Ayon sa mga pasahero, bagaman hindi sila sinak­tan ng mga salarin ay nili­mas na­man ng mga ito ang kani­lang pera at kaga­mitan.

Matapos makuha ang gusto ay pinagliyab nila ang sasakyan bago tu­ma­kas.

Show comments