DILG exec., 1 pa todas sa holdaper
Isang lokal na opisyal ng Department of Interior and Local Government at isa pang tao ang napatay makaraang holdapin at sunugin ng mga armadong kalalakihan ang isang pampasaherong van sa Zamboanga Sibugay ka hapon ng umaga.
Kinilala ni Chief Supt. Jaime Caringal, Police Director ng Philippine National Police Region 9 ang mga nasawi ay sina Martin Dequino, municipal officer ng DILG sa bayan ng Imelda at isang Eduardo Mirang, driver ng pampasaherong van.
Binabaybay umano ng van lulan ang pito pang pasahero sa bayan ng Marcos Tubig patungong Pagadian City dakong alas- 5:30 kahapon ng umaga nang harangin ng mga hinihinalang holdaper.
Gayunman, naramdaman ni Mirang na pawang holdaper ang mga ito kaya sa halip na huminto ay pinasibad ang sasakyan na nagbunsod sa mga holdaper na barilin ang sasakyan na ikinasawi ni Mirang.
Dead-on-the-spot rin si Dequino na nadamay lamang habang dumadaan sa lugar.
Ayon kay Loreto Bhagwani, DILG regional chief, pauwi si Dequino nang maaksidenteng madamay sa pamamaril ng mga kawatan.
Ayon sa mga pasahero, bagaman hindi sila sinaktan ng mga salarin ay nilimas naman ng mga ito ang kanilang pera at kagamitan.
Matapos makuha ang gusto ay pinagliyab nila ang sasakyan bago tumakas.
- Latest
- Trending