CAMP DANGWA, Benguet – Nangunguna pa rin ang Abra bilang pinakadelikado at magulong lalawigan sa Cordillera Autonomous Region (CAR) samantala, ang lalawigan ng Apayao, Ifugao at Kalinga ang nanatiling pinakamatahimik habang ang Baguio City naman ang nanguna sa talaan na may pinakamaraming kaso ng nakawan sa rehiyon.
Ito ang lumitaw sa ginanap na monthly regional command conference sa PNP Regional headquarters na pinangunahan ni P/Chief Supt. Eugene G. Martin, CAR police director.
Ayon sa ulat, sa 91 kaso ng murder mula Agosto 2007 hanggang Agosto 2008 sa Cor dillera, 49 kaso ang naganap sa Abra, samantala, 19 naman sa Kalinga, Benguet, 9 naman ang Baguio City at ang Apayao ay may 7 kasong murder.
Sa Baguio City, ay may naitalang 308 index crimes against property na bumubuo sa 70 porsiyento ng total sa regional cases sa rehiyon.
“Malaki kasi ang popu lasyon ng Baguio, bagamat nangunguna pa rin sa business and tourism center sa region,” pahayag ni Gen. Martin.
May pinakamataas na bilang ng kaso ng homicide ang Benguet, sinundan ng Baguio City na may bilang na 19 kaso. Ang Abra naman ay mas maliit sa un-premeditated killings na may 5 kaso lamang.
Ang Baguio ay nakapagtala ng 188 kaso ng physical injury, sinundan naman ng Benguet na may 81 kaso at Abra (42) at Mt. Province (36).
“Even with the high-profile cases, the index and non-index crimes in this period is lower than that of last year,” paliwa nag pa ni Gen. Martin. Myds Supnad