^

Probinsiya

Abra, pinakamagulong probinsiya sa CAR

-

CAMP DANGWA, Ben­guet – Nangunguna pa rin ang Abra bilang pinakadeli­kado at magulong lalawigan sa Cordillera Autonomous Region (CAR) samantala, ang lalawi­gan ng Apayao, Ifugao at Kalinga ang nanatiling pinaka­matahimik habang ang Baguio City naman ang na­nguna sa talaan na may pina­kamara­ming kaso ng naka­wan sa rehiyon.

Ito ang lumitaw sa ginanap na monthly regional command conference sa PNP Regional headquarters na pina­ngu­­nahan ni P/Chief Supt. Eugene G. Martin, CAR police director.

Ayon sa ulat,  sa 91 kaso ng murder mula Agosto 2007 hanggang  Agosto 2008 sa Cor­ dillera, 49 kaso ang naga­nap sa Abra, samantala, 19 naman sa Kalinga, Benguet, 9 naman ang Baguio City at ang Apayao ay may 7 kasong murder.

Sa Baguio City,  ay may naitalang 308 index crimes against property na bumubuo sa 70 porsiyento ng total sa regional cases sa rehiyon.

“Malaki kasi ang popu­ las­yon ng Baguio, bagamat na­ngunguna pa rin sa business and tourism center sa region,” pahayag ni Gen. Martin.

May pinakamataas na bi­lang ng kaso ng homicide ang Benguet, sinundan ng Baguio City na may bilang na 19 kaso. Ang Abra naman ay mas maliit sa un-premeditated killings na may 5 kaso lamang.

Ang Baguio ay nakapag­tala ng 188 kaso ng physical injury, sinundan naman ng Benguet na may 81 kaso at Abra (42) at Mt. Province (36).

“Even with the high-profile cases, the index and non-index crimes in this period is lower than that of last year,” paliwa­ nag pa ni Gen. Martin. Myds Supnad

ABRA

AGOSTO

ANG ABRA

BAGUIO CITY

BENGUET

KASO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with