^

Probinsiya

Medical aide ni Kato tiklo

-

Naaresto ng tropa ng militar ang tumatayong medical aide ni 105th Base Moro Islamic Liberation Front (MILF) re­ne­gades Commander Ameril Umbra Kato sa isinagawang operas­yon sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan, Maguin­danao kamakalawa. Kinilala ni AFP-Eastern Mindanao Command Spokesman Major Armand Rico, ang suspek na si Badrodin Abdul. Base sa ulat, nagsasagawa ng clearing operations ang mga sundalo ng Army’s 46th Infantry Battalion (IB)  sa bisinidad ng Barangay Kitango, nang ma­mataan ang suspek. Sa inisyal na interogasyon, inamin ng suspek na ginamot niya ang mga sugatang sundalo ng MILF rebs na nakasagupa ng tropa ng militar sa North Co­ tabato. Joy Cantos

Drayber inutas, Starex kinarnap

MALOLOS CITY, Bulacan — Patay ang isang family driver makaraang itong barilin sa ulo ng isa sa tatlong kar­naper na tumangay sa sasakyan ng una noong Huwebes ng gabi sa Barangay Guinhawa, Malolos City, Bulacan. Ang biktimang nagsilbing drayber ng pamilya Villanueva sa loob ng apat na taon  ay nakilalang si Jose Edwin De Guzman, 36, ng Brgy. Caniogan, Malolos City. Base sa police report, pagarahe na ang sasakyang minamaneho  ng biktima ma­tapos maihatid ang pamilya Villanueva nang lapitan at barilin ng mga karnaper. Matapos itumba ang biktima ay ka­agad na kinomander ang Starex (ZME-799).  Nagpa­ha­yag naman ng pangamba ang mga residente sa muling pananalasa ng grupong karnaper sa kanilang lugar. Dino Balabo

Tatak sa helmet tinutulan

CABANATUAN CITY – Tinutulan ng nakararaming moto­rista ang plano ng Nueva Ecija PNP na tatakan ng plate number ang mga  helmet at jacket ng mga nakamo­torsiklo upang makatulong sa patuloy na lumalalang krimen na kina­sasangkutan ng riding-in-tandem sa nabanggit na lalawigan. Sa pahayag ni P/Senior Supt. Ricardo Marquez, provincal police director, ang pagtatatak ng plaka ng motorsiklo sa helmet ay isa ring solusyon upang mabawasan na ang mga checkpoint sa kahabaan ng Maharlika Highway, na may operasyon mula alas-2 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi na siyang ikinaiirita ng mga naka-motorsiklo. Gayon pa man, inamin ni Marquez na may pagtutol ang mga motorista sa nasabing programa ng PNP dahil nakakasira sa warranty ng head protective gear. Christian Ryan Sta. Ana

BADRODIN ABDUL

BARANGAY GUINHAWA

BARANGAY KITANGO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with