^

Probinsiya

2 journalist naipit  sa giyera, nailigtas

-

Matagumpay na nailigtas ng mga sundalo ang lima-katao kabilang ang dala­wang reporter makaraang maipit sa sagupaan ng mili­tar at ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan, Maguin­danao.

Kinilala ang dalawang nailigtas na reporter na sina Ferdinand Cabrera, stringer ng GMA 7 at ang station man­ager ng Radio Minda­nao Network na si Bobong Calamba habang hindi naman natukoy sa ulat ang pangalan ng tatlong sibil­yang nasagip ng mga sun­dalo ng Army’s 64th Infantry Battalion sa bisinidad ng Barangay Dapiawan.

Sa ulat ni AFP-Eastern Mindanao Command (AFP-Eastmincom) spokesman Major Armand Rico, nagko-co­ver sa lugar ang mga reporter kasama ang tatlong iba pa nang ma-trap sa loob ng isang bahay ha­bang nag­ka­kaputukan ang mga sun­dalo at ang mga rebel­deng MILF.

Napag-alamang hindi ma­kalabas ang lima sa bahay na pinagtaguan sa ta­kot na tamaan ng ligaw na bala mula sa mga sniper ng MILF rebs.

Agad namang ipinag-utos ni Army’s 6th Infantry Division (ID) chief Major Gen. Ray­mundo Ferrer sa field unit com­manders nito na iligtas ang dalawang reporter at ang tatlong kasa­mang sibilyan.

Kaugnay nito, muli na­mang umapela ang militar sa mediamen na makipag-coordinate sa AFP at maging sa PNP upang hindi mapa­hamak sa paghahatid ng sariwang mga balita sa publiko. Joy Cantos

BARANGAY DAPIAWAN

BOBONG CALAMBA

DATU SAUDI AMPATUAN

EASTERN MINDANAO COMMAND

FERDINAND CABRERA

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with