^

Probinsiya

Doktora nailigtas, kidnaper todas

- Joy Cantos -

Nailigtas sa tiyak na kapahamakan mula sa grupong Pentagon kidnap-for-ransom na may ug­nayan sa mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang isang doktora sa isinagawang follow-up operation ng mga operatiba ng PNP at AFP noong Biyernes sa Cota­bato City.

Kinilala ni P/Chief Supt. Felizardo Serapio, director ng PRO12, ang nasagip na biktima na si Dr. Milagros Yap, Obstetrician Gynecologist sa Cotabato Regional Medical Center (CRMC).

Sa ulat ni Sarapio na nakarating sa Camp Cra­me, bandang alas-10 ng gabi nang dukutin si Dra. Yap habang pasakay sa kulay abong Pajero (IME- 956) sa harapan ng CRMC.

Kaagad naman naipag­bigay-alam sa mga kinau­ukulan ang insidente ng ilang bystander na naka­saksi sa pangyayari.

Sa follow-up operation ng pinagsanib na operatiba ng Task Force Tugis ng Phil­ippine Army at ng Cota­bato City PNP namataan ang sasakyan ng mga kidnaper sa bisinidad sa Ba­rangay Poblacion 3 sa Cotabato City.

 “A short firefight ensued resulting in the rescue of the kidnap victim and killing of one of the suspects,” pahayag ni Serapio kung saan  inaalam pa ang pa­nga­lan ng nasawing kidnaper  na inabandona ng mga nagsitakas nitong ka­samahan.

Nagtamo naman ng bahagyang sugat sa ulo ang biktima  matapos na su­malpok ang sasakyang kinomander ng mga kidnaper sa panulukan ng Don Ceasar Ext. at Ana­cleto Badoy St. sa Pobla­cion 3.

vuukle comment

BADOY ST.

CHIEF SUPT

COTA

COTABATO CITY

COTABATO REGIONAL MEDICAL CENTER

DON CEASAR EXT

DR. MILAGROS YAP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with