16 MILF todas sa bakbakan

Isang sundalo at  16 na miyembro  ng  Moro  Isla­mic Liberation Front ang nasawi sa isang en­gku­wentro sa Guindolongan, Maguinda­nao kamakalawa ng gabi.

Namumuno umano sa mga rebeldeng tumam­bang sa mga sundalo si MILF 105th Base Commander Ameril Umbra Kato.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines-Eastern Min­danao Command Spokesman Major Armand Rico, dakong alas-6:45 ng gabi nang tambangan ng mga rebelde ang convoy  ng 63rd  Division Reconnaissance Company ng Army sa bisi­nidad ng na­banggit na lugar.

Sinabi ni Rico na bigla na lamang pinaulanan ng bala ng grupo ni Kato ang tropa ng militar na nauwi sa bak­bakan ng magkabilang pa­nig.

Tumagal ang putukan nang  mahigit isang oras na ikinasawi ng isang sundalo habang 10 ang naitalang sugatan.

 Sinabi ng tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Army na si Col. Julieto Ando na 16 na rebelde ang na­paslang sa bakbakan.

Bunga ng insidente ay isinara ang Guindolongan-Talayan Section ng Cota­bato-Isulan highway sa mga motorista kaugnay ng isi­nasagawang clearing operations ng tropa ng militar.

Pinaniniwalaang ma­rami pa ang nasugatan sa panig ng mga rebeldeng MILF.

Ayon pa kay Ando, nag­karoon rin ng bakbakan sa bahagi ng Datu Piang, Ma­guindanao na tumagal ng anim na oras sa tatlo nitong barangay na kinabibi­la­ngan ng Dapiawan, Ilian, Gawang at Kitango.

Nag-ugat ang sagupaan nang tangkain ng MILF na okupahin ang national highway.

Samantala, limang sun­dalo ang sugatan sa hi­walay na bakbakan sa Barangay Damatulan at Kadigasan sa Midsayap, North Cotabato.

Kinilala ang apat sa mga ito na sina TSgt. Roland Apduhan, Pfcs. Ronald Ra­gonton, Tito Puerto at Nur­hassin Abduhrahman. (Joy Cantos)

Show comments