^

Probinsiya

Shootout: 3 holdaper tumba

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Nagwakas ang paghahasik ng karahasan ng tatlong  miyembro  ng  notor­yus na grupo ng hol­daper makaraang mapatay sa pa­kikipagbarilan sa mga pulis sa bayan ng Cabu­yao, Laguna

kahapon ng mada­ling-araw.

Kinilala ni P/Senior Supt. Felipe Rojas, Jr. Laguna po­lice director, ang na­paslang na lider ng sin­dikato na si Sa­turnino Oru­ga, na may ope­­rasyon sa Southern Tagalog.

Samantala, bineberi­pika pa ang pagkikilanlan ng da­lawang kasamahan ni Oru­ga.

Base sa police report, nagsasagawa ng checkpoint operation ang mga tauhan ng Regional Intelligence Division (RID) ng Region 4A at ng Laguna Police Provincial Office sa bisinidad ng For­teza Road, Barangay Pulo nang ma­ma­taan nila ang kulay itim na Isuzu Sportivo (SHS-977).

Nang parahin ng mga operatiba ang grupo ni Oruga, bigla nalang huma­rurot ang sasakyan at nagpaputok ng baril kaya nauwi sa gun-running bat­tle na ikinamatay ng tatlo.

Sa beripikasyon, lumi­li­taw na ang sasakyan ng tatlo na ginagamit ng municipal administrator ng Biñan, Laguna ay kinarnap noong Lunes ng August 18.

Narekober sa tatlo ang isang Berreta 9mm pistol na may PNP property mar­kings at buradong serial number, 2 cal. 38 revolver, at dala­wang pares ng uniporme ng PNP.

Sinisilip din ng pulisya kung may kaugnayan ang grupo sa RCBC massacre habang humahanap pa ng mga ebidensya.Dagdag ulat ni Ed Amoroso

BARANGAY PULO

ED AMOROSO

FELIPE ROJAS

ISUZU SPORTIVO

JR. LAGUNA

LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with