^

Probinsiya

Ex-Army sgt. itinumba

-

LEGAZPI CITY – Tinambangan at napatay ang retiradong sarhento ng Phil. Army ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng New People’s Army  sa oval ng Provincial Sport Complex sa Barangay San Francisco, Guinobatan, Albay kahapon ng umaga. Labindalawang bala ng baril ang tumapos sa buhay ni ret. Army Sgt. Rolando Molina ng Barangay Cal­zada ng nabanggit na bayan. Sa police report, lumilitaw na nagja-jogging ang biktima sa nasabing lugar nang lapitan at ratratin. Ed Casulla

Lola dinedo ng 2 senglot

BATAAN – Maging ang isang 61-anyos na lola ay bik­tima ng brutal na karahasan kung saan pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng dalawang senglot na lalaki kama­kalawa ng gabi sa Barangay Doña Orani, Orani, Bataan. Apatnapung saksak sa kata­wan ang tumapos sa buhay ni Nenita De Jesus y Cruz, saman­talang kinasuhan matapos masakote ang mga suspek na sina Marvin Bacani y Palad, 21 at Edgardo Mendogorin y Arcenas, 18, kapwa kapit­bahay ng biktima. Sina Bacani at Men­do­gorin ay nakor­ner ng mga tauhan ni P/Senior Insp. Jere­mias Dayo sa bisini­dad ng Barangay Bangal, Dinalupihan. Sa pagsisiyasat ng pulisya, lu­mi­taw na napagtripang pasukin ng mga sus­pek ang bahay ng biktima na nagkataon namang natu­tulog ang matanda. Jonie Capalaran

2 ‘sinalvage’ sa Cavite

CAVITE  – Pinahirapan muna bago pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dalawang kababaihan saka itinapon sa bisi­ni­dad ng Barangay Sta. Lucia sa bayan ng Dasmariñas, Cavite kahapon ng madaling-araw. Kasalukuyang bineberipika ang pagkikilanlan ng mga biktimang kapwa may tama ng bala sa ulo, nasa edad na 25 hanggang 30-anyos at may taas na 5 ta­lam­pakan. Ayon kay PO3 Edgar Belza, wala naman nakasaksi sa naganap na pa­mas­lang kung saan sunud-sunod na putok ng baril ang naulinigan ng ilang residente bago matagpuan ang dalawa. May teorya ang pulisya na may kaugnayan sa bawal na gamot ang pamamaslang laban sa mga biktima. Cristina Timbang

vuukle comment

ARMY SGT

BARANGAY BANGAL

BARANGAY CAL

BARANGAY DO

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with