^

Probinsiya

Pulis na isinabit sa pagpatay sa brodkaster, sinibak

-

Sinibak na sa puwesto ang isang opisyal ng pulisya matapos na isangkot sa pagpaslang kay RMN brodkaster at program director na si Dennis Cuesta sa General Santos City noong Lunes ng Agosto 4. Si P/Senior Insp. Redentor Acharon na pinaniniwalaang pinsan ni Mayor Jhun Acharon ay dinala na sa Camp Crame alinsunod sa kautusan ni PNP chief Director General Avelino Razon Jr. Ayon kay Task Force USIG chief P/Director Jefferson Soriano, hindi sila mangingiming sampahan ng kaso si Acharon sakaling mapatunayang may matibay na ebidensya laban dito. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, si Acharon ay itinuro ng mga testigong hawak ng pulisya na pangunahing  suspek sa pagpatay kay Cuesta  matapos ang ilang araw na pakikipaglaban kay kamatayan. Kasabay nito, kinumpirma din ni Soriano ang pagbibigay direktiba ni Razon kay Police Regional Office (PRO) 11 director Chief Supt. Andres Caro II na pagkalooban ng seguridad ang pamilya ni Cuesta. Joy Cantos

ACHARON

ANDRES CARO

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

DENNIS CUESTA

DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON JR. AYON

DIRECTOR JEFFERSON SORIANO

GENERAL SANTOS CITY

JOY CANTOS

MAYOR JHUN ACHARON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with